P1.2M Inilaan para sa Basketball Tournament kaugnay ng pagdiriwang ng Kasanggayahan Festival 2023

Naglaan ng mahigit P1.2M ang Pamahalaang Lalawigan ng Sorsogon para sa Basketball Tournament Season 3 sa pagdiriwang ng Kasanggayahan Festival 2023.

Sa inaprubahang request ni Governor Boboy Hamor sa Sangguniang Panlalawigan, papayagan ang Pamahalaang Lalawigan na pumasok sa Memorandum of Agreement sa mga bayan upang mag bigay ang PLGU ng P1,275,000 bilang financial support sa nasabing aktibidad.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Kabilang sa halagang matatanggap ng mga LGUs ay P225K para sa tatlong distrito ng lungsod at P75K naman bawat isa ang 14 na mga bayan.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

May 45 araw na lamang bago ang pormal na pagdiriwang ng Kasanggayahan Festival 2023 sa Oktubre.

Ayon naman sa Provincial Tourism Culture and Arts Office, maraming mga aktibidad ang aabangan hindi lamang ng mga Sorsoganon, maging ang bibisita sa lalawigan.