Ban ng Pangulo sa Cabinet members sa inquiries, tama lang na nakwestyon sa SC – Lacson

Naniniwala si Senator Panfilo Lacson na tama lang na makwestyon sa Korte Suprema ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga miyembro ng Gabinete na huwag dumalo sa mga inquiries ng Senado.

Inihayag ng Senador na mas malala pa ang ginagawa ngayon ng Pangulo kung ikukumpara ito sa memorandum na inisyu ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong 2006.

Read More:  Marcos declines comment on Imee’s no-el claim

Ipinunto ni Lacson na para sa Section 21, Article VI ng 1987 Constitution, ay tama lang na makwestyon ang kautusan ng Pangulo sa Korte Suprema.

Nakasaad sa tinukoy na batas ni Lacson na maaring magsagawa ang Senado o House of Representatives ng inquiries in aid of legislation, na naayon sa duly published rules of procedure.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Ipinunto ni Lacson na dati nang na-interpret ng Korte Suprema ang nasabing isyu nang maglabas si Arroyo ng Executive Order 464 na nagbaban sa mga miyembro ng Gabinete at opisyal ng militar na dumalo sa Senate inquiries.