Pinaniniwalaan ng Bureau of Immigration (BI) na posibleng nasa Indonesia pa ang kapatid ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na si Wesley Guo.
Ayon kay BI Spokesperson Dana Krizia Sandoval, wala pa silang natatanggap na kumpirmasyon mula sa mga otoridad ng Indonesia kung umalis ba si Wesley ng naturang bansa.
Sa kabila nito, ibinunyag ni Sandoval na nakatanggap ang BI ng impormasyon na umalis na ang kapatid ng alkalde sa Indonesia.
Nagtungo na umano ito ng Hong Kong – bagay na wala pang kumpirmasyon mula sa mga otoridad ng Hong Kong.
Batay sa mga ulat, nag-iisa lamang si Alice sa kanyang inuupahang unit nang ito ay maaresto.