Kamara, hinliing sa Senado na padaluhin din si Alice Guo sa quad comm hearing

Hinihiling ng Kamara sa Senado na padaluhin sa quad committee hearing ang naarestong si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo matapos itong maaresto sa Indonesian Immigration.

Ayon kay Rep. Robert Barbers, kailangang maimbestigahan ng Kamara si Guo upang malaman kung sino-sino ang mga pangalan na talagang nasa likod ng ilegal na operasyon ng POGO sa Pilipinas.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Target ding alamin ng House of Representatives kung sinong mga opisyal ng pamahalaan ang tumulong sa nasibak na alkalde para magkapuwesto sa gobyerno, at makapagpatayo pa ng negosyo.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Mababatid na nananatiling kwestyonable ang pagkatao ni Guo, at sinisilip pa rin kung may kaugnayan ba ito sa POGO sa bansa.