Kapatid at Ina ni alyas ‘Bikoy’ nagbigay ng kanilang pahayag; hustisya at dasal, hiniling

SORSOGON CITY – ‘Hustisya at dasal.’

Ito ang hiniling ng ina at kapatid ni Peter Joemel De Leon Advincula o mas kilala sa bansag na ‘Bikoy.’

Sa pahayag na ekslusibong pinadala sa Brigada News FM-Sorsogon, sinabi ng mag-ina na sila, sa pamilya ay labis ang pagkabigla nang mabalitaan nila ang nangyari sa tatlong mga biktima na pawang mga kababayan nila sa Donsol, Sorsogon lalo pa at ang isa sa mga biktima ay kanilang napakalapit na pinsan (father side) na si Helene Garay Advincula.

Ayon kay Joseph, kapatid ni Joemel, nang malaman nila na hindi pa nakakauwi ang kanilang pinsan na si Helene at napag-alamang kasama ang kanyang kapatid, ay bigla silang kinabahan dahil may banta pa ang kanilang pamilya sa isyu ng ‘Ang Totoong Narcolist’ na kinasaangkutan ng kaniyang kapatid.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Binanggit din ni Joseph kung gaano sila kalapit ng kanyang pinsan na si Helene na itinuturing na niya na pangalawang ina.

Aniya Joseph: “Walang araw na hindi kami n’yan magkumustahan kahit malayo kami sa isa’t-isa, ang mga plano at pangarap niya sa Donsol, sa kanyang pagtakbo bilang Vice Mayor ay parati niyang binabanggit sa akin.’’

Dagdag pa ni Joseph: “Si Tita Helene ang aking sumbungan at takbuhan ng mga problemang aking pinagdadaanan. Sobra kung iniyakan ang pangyayari na ito…’’

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized

Sa huli, sinabi ni Joseph na hihintayin nilang mag-ina ang magiging resulta sa korte. Papanig sila sa katotohanan at makatarungan na hustisya gaano man kasakit ito sa kanilang pamilya.

Matatandaan na si alyas ‘Bikoy’ ang prime suspect sa pamamaslang sa tatlong kandidato sa Donsol, Sorsogon na sina Helene Garay Advincula, Karen De la Rosa Averilla at Xavier Mirasol.

Ayon sa imbestigasyon ng Daraga Police, personal grudge ang nakita nilang motibo sa krimen.