ASF outbreak sa mga karatig probinsya, malaking banta sa So.Cot

KORONADAL CITY- NANANATILING ligtas sa African Swine Fever (ASF) ang lalawigan ng South Cotabato.

Ngunit ayon kay Provincial Veterinary Officer Dr. Flora Bigot na malaking banta ngayon sa lalawigan ang ASF outbreak sa mga karatig-lugar partikular sa mga bayan ng M’lang, Tulunan at Matalam sa Cotabato province.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Mga ipinuslit na mga processed pork products katulad ng choriso, tocino at chicharon mula sa mga ASF infected areas ang tinitingnang rason ng pagkalat ng ASF sa naturang mga lugar.

Kaugnay nito, nananawagan si Bigot sa mga mamamayan na huwag magpapasok ng mga processed pork products na posibleng mahalo sa mga kaning-baboy.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Umapela din ito sa publiko na agad na i-report sa kanilang tanggapan ang mga nagbebenta ng mga processed pork products online na posibleng galing sa mga lugar na apektado ng ASF.