Kanye West’s Twitter, IG accounts restricted matapos ang umano’y anti-Semitic posts

Narestrict nitong weekend ang Twitter at Instagram accounts ni Kanye West, at sinabing tinanggal ng naturang mga social media platform ang posts ng rapper, matapos kondenahin ito ng mga online users bilang anti-Semitic.

Unang nalock umano ang kanyang Instagram ng Facebook parent Meta Platforms Inc noong Biyernes, at matapos nito ay sa Twitter niya nag-tweet noong Sabado, sa unang pagkakataon sa loob ng nakalipas na dalawang taon.

Read More:  Derek Ramsay denies alleged smuggling of controversial supercar

Ang unang post ni West sa Twitter simula noong 2020, ay isang blurry photo ng rapper at Meta Platforms founder Mark Zuckerberg na kumakanta sa karaoke.

Read More:  Max Collins, Pancho Magno stay hands-on in co-parenting son Skye

Saad sa tweet: “Look at this Mark How you gone kick me off instagram.”

Ayon naman sa Twitter spokesperson, na ang naturang post na sinasabi ni Kanye na hindi umano anti-Semitic, ay tinanggal ng Twitter dahil sa paglabag sa kanilang mga polisiya.