Kandidato sa pagka-SK Chairman sa QC, diskwalipikado

Diskwalipikado ang isang kandidato sa pagka-SK Chairman sa Brgy. San Bartolome, Quezon City,

Sa pitong pahinang desisyon sa second division ng Comission on Elections (Comelec), tanggal sa listahan sa pagiging kandidato ng Baranggay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) si Judielyn Bartolome Francisco dahil sa pagbili ng boto.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Kinumpirma nina Comelec presiding Commissioner Atty. Marlon Casquejo at Commissioners Rey Bulay at Nelson Celis ang desisyon na inilabas ng election body.

Sa petisyon na isinampa ni Arjay Lacsa Lorenzo, inireklamo nito si Francisco ng vote buying matapos na mag-sponsor ng mga kabataan sa isang team building sa San Jose Del Monte, Bulacan noong September.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Bago pa man mangyari ang outing ay nakapaghain na ng certificate of candidacy si Francisco kaya’t itinuturing ito ng Comelec na paraan ng pangangampanya.

Giit ni Lorenzo, hindi magandang ehemplo si Francisco sa mga kabataan.

Bukod aniya sa libreng outing ay sinagot pa nito ang lahat ng gastusin mula sa transportasyon, hotel accomodation, pagkain at iba pa.