Kandidata mula sa Naga City ang kinoronahang Miss Bicolandia 2022

NAGA CITY – Nasungkit ng kandidatang mula sa Naga City ang titulong Miss Bicolandia 2022 sa coronation night kagabi sa JMR coliseum.

Siya si Rheema Adakkoden na isa sa paborito ng mga manonood dahil sa kanyang kulay at sa taglay niyang ganda, bukod sa matalinong sumagot.

Sa panayam sa kanya ng mga taga media, nagpasalamat siya sa lahat ng mga sumuporta sa kanya mga kaibigan at mga kakilala.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Ayon sa kanya pangarap niya talagang makuha ang titulong Miss Bicolandia sa katunayan pangalawang beses niya na itong pagsali, noong una siyang sumali taong 2019 naging 2nd runner-up.

Mensahe niya sa mga nangangarap na maging beauty queen na huwag mawawalan ng pag-asa, mag-aral at magpursige.

Inihayag niya sa media ang kanyang advocacy. 

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Ang iba pang mga nanalo ay sina Mary Joy Darilay ng Naga City,1st runner-up ; Jeanette Reyes ng Pasacao Camarines Sur,2nd runner-up ; Iris Oresca ng Naga City pa rin,3rd runner-up at ang kandidata naman mula sa Tabaco City,sa Albay na si Margarette Briton   ang nag 4th runner-up.      

Ang opisyal na kandidata sa Miss Bicolandia ngayon taon ay 20 na nanggaling sa mga lalawigan ng Bicol Region.