Malaki ang pag-asa na mapanagot sa ginawang pagbabanta sa buhay ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Representative France Castro si dating Pangulong Rodrigo Duterte, ayon sa isa sa mga abogado ng kongresista.

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Atty. Rico V. Domingo, isa sa mga tumatayong lawyer ni Rep. Castro, sinabi nito na masusi nilang inaral ang complaint ng mambabatas at malaki ang posibilidad na makulong si ex pres. Duterte.
Ayon kay Atty. Domingo, kasong kriminal kaugnay ng grave threat at paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012 ang kinakaharap ng dating pangulo at sakaling mahatulang guilty at posibleng mabilanggo ng hanggang anim na taon at multang aabot sa P100,000.
Kung maalala, una na ring ipinagtanggol ni Senator Bato Dela Rosa si Duterte na sinabing normal lamang sa pananalita nito ang sinasabing pagbabanta at huwag na lamang pansinin ng Mambabatas.