Kasalukuyang isinasailalim sa inquest proceedings sa kasong estafa ang isang Fire Officer 1 matapos maaresto sa isang entrapment operation ng mga operatiba ng PNP-CIDG kahapon makaraang tumanggap ng pera kapalit ng promotion slot sa Bureau of Fire Protection.

Sa pulong balitaan kanina sa Kampo Crame, kinilala ni BFP Intelligence and Investigation director, FCSUPT GILBERT DOLOT, ang suspek na si FO1 Ramces Paul Baylon Benipayo na nakatalaga sa Muntinlupa City Fire Department.
Ikinasa ang entrapment operation sa isang mall sa Muntinlupa City makaraang makatangap ng reklamo ang CIDG mula sa isang babaeng recruit na siya umano ay kinumbinsi ng suspek na magbayad ng 200, 000 kapalit ng lateral enty sa BFP.
Ayon kay FCSUPT Dolot, hindi nila kukunsintihin ang ganitong gawain ng kanilang mga tauhan kaya’t sila na mismo ang nakipag-ugnayan sa CIDG para maaresto ang suspek.
Inaalam pa kung sinu-sink ang kasabwat ni Benipayo na bukod sa kasong kriminal ah mahaharap sa kasong administratibo.