Website ng DICT, na-hack!

Kinumpirma ng Department of Information and Communication Technology (DICT) na nahack ang isang obscure website ng ahensya na pinangalanang “sandbox.”

Ngunit kinlaro ni DICT Undersecretary Jeffrey Dy na wala itong nilalaman na datos o anumang personal na impormasyon, na maaring gamitin sa masamang bagay.

Read More:  Barzaga says he has no regrets after House expulsion

Dagdag pa ni Dy, ginagamit lamang ang sandbox upang subukan ang mga potensyal na kahina-hinalang programa sa kanilang sistema.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Dito rin sinusubukan ng mga developers at testers ng ahensya ang Vulnerability Assessment at Penetration Testing (VAPT) at mga scanner ng ahensya.