Kampo ni Quiboloy, kinwestyon ang mga taong nasa likod ng P10M pabuya sa makapagbibigay ng impormasyon tungkol sa televangelist

Kinekwestyon ngayon ng kampo ni Apollo Quiboloy ang motibo ng mga pribadong indibidwal na nag-offer ng P10M para sa impormasyong makapagtuturo sa kinaroroonan ni Quiboloy.

Ayon sa legal counsel ni Quiboloy na si Atty. Ferdinand Topacio, bakit ayaw sabihin ni DILG Secretary Benhur Abalos kung sino ang mga taong nag-alok ng P10M.

Ito aniya ay kailangan para malaman at makilatis ang kanilang motibo kung bakit sila magbibigay ng napakalaking pabuya para sa isyu ni Quiboloy.

Ani Topacio, dapat ay may access ang mga mga Pilipino sa usapin ng public concern.

Mababatid na inanunsyo kinumpirma kahapon ni Abalos na may mga kaibigan umanong nais tumulong sa kaso ni Quiboloy, at nag-o-offer ng P10M reward para sa anumang impormasyon tungkol sa kanya.

Maliban sa televangelist, may tig-P1M rin reward para sa lima co-accused nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *