Ilang retiradong heneral ng AFP at PNP, naghayag ng suporta sa panawagang pagkakaisa ni PBBM

Bilang pagpapakita ng suporta sa panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nagsama-sama sa isang pagtitipon ang ilang dating opisyal ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police sa San Juan city.

Ito ay bilang tugon din sa panawagan ni Pangulong Marcos Jr na magkaisa sa gitna ng kinakaharap na hamon ng bansa gaya ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.

Kabilang sa mga dumalo sa pagtitipon sina dating AFP Chief Eduardo Uban, Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Alexander Pama, dating CIDG General Samuel Pagdilao at dating Marine Col. Ariel Querubin

Sa nasabing pagtitipon, inihayag ng mga dating opisyal ng PNP at AFP ang kanilang pagkabahala sa panggigipit ng China Coast Guard sa tropa ng bansa at ang paglipana ng iligal na POGO sa bansa.

Inalala rin sa pagtitipon ang kabayanihan ng mga sundalo at maging ng mga Pilipino na patuloy na lumalaban para sa bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *