Kampanya para sa Covid-19 vaccine sa Italya, napigilan ang pagtaas ng death toll

Kinumpirma ng National Health Institute (ISS) sa Italya na halos kalahati sa 150,000 ang napigilan ang pagtaas ng bilang ng mga namamatay doon.

Ayon sa ISS, na-prevent ng bakuna ang nasa 8 million na kaso ng Covid-19 sa bansa kabilang na ang mahigit 500,000 na mga na-oospital at tinatayang nasa 55,000 na mga nasa intensive care unit (ICU).

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Nagsimula ang naturang kampanya noong ika-27 ng Disyembre taong 2020 kung saan napabilang ang nasabing bansa sa ‘countries worst affected’ ng Covid-19 pandemic.

Read More:  Palace rebukes Pulong Duterte over criticism of Marcos administration

Samantala, mahigit 90% na ang mga fully-vaccinated doon na may edad 12 pataas habang 34% naman sa mga batang edad 5 hanggang 11. || ARGIE ERGINA