KORONADAL CITY- NAGSASAGAWA ngayon ang Department of Trade and Industry o DTI ng enforcement at monitoring activities laban sa mga uncertified at non-conforming o substandard na mga produkto na ibinebenta sa mga business establishments sa rehiyon 12.
Inihayag ni DTI Assistant Secretary for Consumer Protection Group Ronnel Abrenica na ito ay bahagi ng simultaneous activity na inilunsad ng ahensya sa iba’t ibang mga rehiyon.
Napag-alaman na magsasagawa ang Fair Trade Bureau at Bureau of Philippine Standards ng random inspections sa mga business establishments sa lalawigan ng South Cotabato, Sultan, Kudarat, at Sarangani, at sa mga lungsod ng General Santos, Koronadal, at Tacurong.
Sakop ng enforcement activity ang lahat ng produkto sa ilalim ng BPS mandatory certification.
Ayon kay Abrenica na layon nito na mapaigting ang consumer awareness sa rehiyon at masiguro na lahat ng mga produkto na ibinebenta sa merkado at mga business establishments ay sumusunod at pasado sa quality standards ng gobyerno.
Partikular sa tinitingnan ng DTI ang compliance ng mga establismento komersyal sa mga technical regulations lalo na ang Philippine Standard (PS) at Import Commodity Clearance (ICC) requirements.
Kabilang sa mga produkto na covered ng mandatory certification at dapat may PS markings o ICC stickers ay ang electrical at home appliances.
Mag-iisyu ang enforcement teams ng notices of violation at kukumpiskahin din ang mga uncertified products na makikita sa loob ng isang establisemento komersyal.
Ang mga lalabag ay sasampahan ng administrative at criminal charges at maaari pang makulong.
