Pediatric vaccination, simula na sa Surallah, SoCot

KORONADAL CITY— SINIMULAN na ang pamamakuna sa mga pediatric priority group o mga batang nasa edad 12 hanggang 17 taong gulang sa bayan ng Surallah , South Cotabato.

Ito ang pinangunahan ni Dr. Niel Crespo, Municipal Health Officer ng bayan.

Read More:  Two fishermen rescued after boat carrying sacks of cement capsizes

Inaanyayahan naman ni Crespo ang lahat na mga magulang na gustong magpabakuna sa kanilang mga anak na mag-dala ng medical certificate mula sa kanilang pediatric doctor, birth certificate nga bata, vaccination card ng magulang at isang kasama o guardian sa vaccination sites.

Read More:  5 injured after military vehicle overturns and plunges into creek in Aklan

Nakadepende naman sa alokasyon ng bakuna ang schedule sa pagpamakuna sa mga kabataan sa nasabing bayan.