Guo at kapatid ni Michael Yang, natuklasang mayroong direkang transaksyon

Ikinababahala ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros ang posibleng koneksyon ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa kapatid ni Michael Yang na siyang dating economic adviser ni dating pangulong Rodrigo Duterte.

Lumalabas kase sa dokumentong nanggaling sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) na may direktang transaksyon ang kumpanya ni Guo na Baofu Land Development sa joint account ng dalawang tao na sina Yu Zheng Can na siyang incorporator ng Hongsheng Gaming Technologies at maging ng kapatid ni Yang na si Hongjiang Yang.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Alinsunod nito, hindi umano malabo na maituturing talaga na ‘one big, happy pharmally’ ang nangyayari sa likod ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Maalala, si Hongjiang ay isa ring incorporator ng Full Win Group of Companies kung saan kasamahan niya rito si Gerald Cruz na isang incorporator din ng Pharmally Biological.