Kinondena ng Pilipinas ang kamakailang satellite launch ng Democratic People’s Republic of Korea (DPRK) o North Korea gamit ang ballistic missile technology.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang mga pagkilos na ito ay nagpupukaw ng tensyon at nagpapahina sa pag-unlad ng ekonomiya, kapayapaan, at katatagan sa Korean Peninsula at sa Indo-Pacific region.
Dagdag pa ng ahensya, ilang beses nang nanawagan ang Pilipinas sa DPRK na sumunod sa mga internasyonal na obligasyon nito sa ilalim ng mga kaugnay na resolusyon ng UN Security Council.
Maaalalang nagpaputok ng salvo ang North Korea ng hindi bababa sa 10 short-range ballistic missiles sa silangang baybayin nito.
