NFA, kumpiyansang malalagpasan ang target na mahigit 3 milyong sako ng palay

Ipinahayag ng National Food Authority (NFA) ang kanilang kumpiyansa na malalagpasan ang target na mahigit 3 milyong sako ng palay para sa unang kalahati ng taon.

Ito’y dahil sa pagtaas ng buying price ng palay, na nakikitang magpapataas ng produksyon at suplay.

Read More:  DSWD assures safety of rice in family food packs amid reports of unusual smell

Ayon kay NFA acting administrator Larry Lacson, umabot na sa 2.93 milyong sako ng palay ang nabili ng ahensya, na katumbas ng 97% ng kanilang target para sa unang kalahati ng taon.

Inaasahan pa ang karagdagang dami ng palay na mabibili sa mga susunod na linggo.

Read More:  TRB orders NLEX to explain prolonged traffic caused by flooding in Pampanga

Saad naman ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ikinatutuwa niya ang desisyon ng NFA Council na itaas ang buying price ng palay dahil nagreresulta ito sa pagtaas ng buffer stock ng bigas sa bansa.