Kaligtasan ng mga lumapit na biktima umano ng pang-aabuso ni Quiboloy, tiniyak ng PNP

Maraming biktima ang matapang na humarap at nagbigay ng mahahalagang impormasyon tungkol sa umano’y “systematic abuse” sa mga kabataang babae sa ilalim ng impluwensiya ni Apollo Quiboloy.

Ito ang sinabi ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil, kasabay ng pagtiyak ng kanilang kaligtasan habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa kanilang mga ibinunyag na impormasyon.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Ayon kay Gen. Marbil, ang mga lumapit sa PNP ay kabilang umano sa tinatawag na “pastorals” sa organisasyon ni Quiboloy.

Ilan aniya sa mga ito ay bahagi ng “inner circle,” isang piling grupo ng mga kabataang babae kung saan ang pinakabatang edad ay 12-anyos.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Ang mga ito ay diumano’y nakaranas ng sexual abuse mula kay Quiboloy.

Kasalukuyan nang bina-validate ng PNP ang mga impormasyong ibinigay ng mga biktima para mapagtibay ang anumang legal actions na isasampa laban kay Quiboloy.