Maglalatag ng karagdagang inspection sites o checkpoint ang Bureau of Animal Industry katuwang ang MMDA sa Metro Manila upang mapigilan ang pagkalat ng African Swine Fever at para na rin hindi makapasok ang mga meat products at mga baboy na maaring kontaminado ng ASF.
Ilalagay ang mga inspection sites sa iba’t ibang lugar sa Quezon City, Valenzuela, at North Caloocan.
Sa isinagawang Metro Manila Council Meeting, sinabi ni MMDA Chairman Atty. Don Artes na makikipagtulungan ang ahensya at mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila sa pag seset up ng mga inspection sites.
Nagiging transshipment point aniya ang Metro Manila dahil ang mga infected na baboy na galing norte at south ay dinadala dito o kaya naman ay idinadaan patungo sa ibang lugar.