Kalesa, muling bubuhayin sa Naga City

NAGA CITY – Isinusulong ngayon ng Barangay Abella sa Naga City, ang muling pagbuhay o pagbabalik ng kalesa sa lungsod, bilang pagtitiyak na hindi tuluyang mawala lalo na pagdating sa aspeto ng turismo.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay, Punong Barangay, Apolinario Malana, maliban sa makapanghikayat muli ng mga turista, malaki ang naging kontribusyon nito sa historical aspect ng barangay, na nais mapanatili o i-preserve, natigil kasi ang pagpapabiyahe o pagkakaroon ng kalesa nitong bago ang pandemya, kung saan naibenta na, namatay naman ang ibang kabayo.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

May mga plano nang nakalatag, katulad, ng kung dati walo ang sakay gagawin na lamang dalawa, dahil isa sa dahilan kung bakit namamatay ang kabayo ay sa sobrang pagod, pangawala may mga medikasyon na ring pinag-iisipan, maging sa mga dumi ng kabayo at higit sa lahat, nabuksan na rin ito sa Lokal na Pamahalaan lalo na ito rin ay itinuturing na heritage sa lungsod ng Naga.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop