Bilang ng mga kolorum na sasakyang pumapasada partikular sa Almeda Highway, Naga City, nabawasan

NAGA CITY – Kampante na ngayon ang pamunuan ng City College of Naga na makakapasok na sa paaralan at makakauwi sa kani-kanilang bahay na hindi na aarkila pa at sasakay sa habal-habal na mahal ang pasahe ang kanilang mga estudyante.

Ito nga ay dahil sa regular ng pagkakaroon ng 10 unit ng public utility jeep sa Almeda Highway na ang biyahe ay hanggang alas nuebe ng gabi o higit pa, araw-araw.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni CCN School President Magno Conag Jr. na naresolbahan na ang problema nila, hindi lang ng mga estudyante kundi ng mga residente sa lugar, dahil sa mga jeep na ito.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Aniya’y may pangilan-ngilan pa ring habal-habal o iba pang kolorum na sasakyan ang nasa lugar para pumasada dahil na rin sa ang ibang mga estudyante nila at mga empleyado na regular ng pasahero ng mga ito.

Pasalamat naman si Conag, dahil sa aksyon ng LGU-Naga sa problermang matagal-tagal din nilang idinaing.