Binatilyo, nalunod sa Camarines Sur

Patay ang isang binatilyo sa Pasacao, Camarines Sur matapos itong malunod upang sagipin ang kanyang babaeng pinsan.

Ayon sa salaysay ng Pasacao Municipal Police Station, bandang alas 10:15 nang maiahon ang katawan ng lalaki mula sa pagkakalunod. Base na rin sa kwento ng pinsan nito sa pulisya, ihahatid na sana siya ng binatilyo nang maisipan nilang maligo muna sa dalampasigan. Bunsod ng malakas na hangin at alon, napadpad ang babae sa malalim na bahagi ng dagat.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Agad siyang sinagip ng pinsan na lalaki ngunit ito naman ang nalunod, dahilan para bawian ito ng buhay. Sinubukan itong i-revive ng mga residente at mga barangay tanod at dalhin sa ospital ngunit idineklara na itong dead on arrival ng doktor.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Paalala naman ng Pasacao MPS sa mga magulang, maparesidente man ng nasabing bayan o mga magdadayo sa lugar na laging i-check at i-monitor ang mga anak lalo na ngayong malapit na ang summer season.