Kakulangan ng silid-aralan, umabot ng 159,000 ngayong pasukan sa mga pampublikong paaralan

Nasa 159,000 ang kakulangan ng silid-aralan sa school year 2023-2024 sa mga pampublikong paaralan sa bansa.

Sa pagdinig ng Senate committee on Basic Education, sinabi ni Department of Education (DepEd) Assistant Secretary Francis Cesar Bringas, kasama na sa bilang ang pamalit sa 440 classrooms na nawasak dahil sa bagyong Egay.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Ayon kay Bringas, may dagdag pa sa nasabing bilang dahil may mga paaralan na binaha na nagkaroon ng maliit hanggang sa malaking pinsala.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Batay sa pondo ng DepEd ngayon at sa susunod na taon hindi aniya maipapagawa ang lahat ng eskwelahan dahil bawat silid-aralan umano ay higit P2M ang kinakailangan.