Makabayan bloc, pinasilip sa Kamara kung sino ang Pangulong nangako umano sa Beijing na alisin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal

Naghain ng resolusyon ang Makabayan bloc para imbestigahan ng Kamara kung sino ang Pangulong nangako umano sa Beijing na alisin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Sa House Resolution 1215 partikular na pinaiimbestigahan sa House Committee on Foreign Affairs ang usaping aid of legislation lalo’t wala pang maipakita na katibayan ang China tungkol sa anumang kasunduan.

Read More:  Four Philippine Air Force pilots killed as two SF-260 aircraft crash

Giit ng Makabayan, kailangang matukoy ng Kongreso kung may nagtraydor sa bansa dahil makumkumpromiso ang soberanya at teritoryo ng Pilipinas.

Read More:  Supreme Court budget ruling may figure in new Marcos impeachment bid

Noong Agosto 7, sinabi ng China Foreign Ministry na nangako raw ang Pilipinas na aalisin ang barko mula sa Ayungin Shoal.

Matatandang itinanggi na ng kampo nina dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, Joseph Estrada, at Rodrigo Duterte na sila ang nangako sa Beijing.