Kinilala ni House Speaker Martin Romualdez ang mga miyembro ng Philippine Marine Corps’ Force Reconnaissance Group para sa pagbibigay ng kapayapaan at seguridad sa mga Pilipino.
Ito ay kasabay ng ika-51 founding anniversary ng grupo, kung saan dinaluhan niya ang commemoration rites na ginanap sa Gregorio Lim sa Ternate, Cavite.

Ayon kay Romualdez, kinakatawan ng ng reconnaissance group ang dedikasyon, kakayahan, at commitment.
Kaugnay nito, hindi na aniya maipagkakaila na ang kapayapaan at seguridad na tinatamasa ng lahat ay dahil sa walang-pagod na pagtugon ng mga grupo s akaknilang tungkulin.
Pinuri rin ng mambabatas ang excellence at mastery ng marine corps sa kalupaan at katubigan, gayundin ang pagpapanatili ng mga ito sa karangalan, tungkulin, at loyalty sa kanilang serbisyo.
Sa huli, ibinahagi ng Kongresista na tinatrabaho nila ang pagsasaayos sa mga gusot sa pension system para sa mga military and uniformed personnel (MUP).