Kai Sotto, undecided pang sumali sa lineup ng Gilas sa FIBA World Cup

Undecided pa rin ang 7-footer player na si Kai Sotto kung ito’y sasali sa lineup ng Gilas Pilipinas para sa nalalapit na 2023 FIBA World Cup.

Ayon kay Sotto, kahit gusto nitong makapaglaro sa ilalim ng Philippine Team para irepresenta ang bansa, nananatili pa rin itong nagpapagaling ng kanyang physical at mental health matapos ang kanyang international journey.

Kakabalik lang nito sa bansa matapos ang kanyang NBA Summer League stint kasama ang Orlando Magic sa Las Vegas, kung saan nagtamo ito ng lower back pain sa kanyang huling laro kalaban ang Boston Celtics.

Matatandaang nagbigay na July 25-deadline si Gilas Pilipinas Head Coach Chot Reyes ukol sa mga manlalarong hindi pa nakakasama sa buildup ng team.