Pormal nang isinara ng Ukraine ang kanilang apat na Black at Azov sea ports, na nasakop na ng Russian forces.
Ayon sa Ukrainian agriculture ministry, ang Azov Sea ports ng Mariupol, Berdiansk at Skadovsk, at ang Black Sea port ng Kherson ay sarado hanggang sa maibalik na ang kontrol.
Ang pagpapatupad sa naturang hakbang ay dulot ng impossibility ng servicing ships at passengers, pagdadala ng cargo, pagbiyahe at iba pang related economic activities, at pagtitiyak ng kaukulang level ng safety of navigation.

Mababatid na sinuspende rin ang aktibidad sa lahat ng Ukrainian seaports, dahil sa invassion ng Russia noong Pebrero.
Samantala, una nang sinabi ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na maaring mawala ang tens of millions ng tonnes ng grain ng Ukraine dahil sa pagkontrol ng Russia sa Black Sea shipping, kung saan nanganganib ang pagkakaroon ng food crisis na makakaapekto sa Europe, Asia at Africa.