Kahalagahan ng tulong ng lgu para hindi makapsok ang travelers na namemeke ng PCR test, binigyang-diin ng DOT

Binigyang-diin ni Department of Tourism Sec. Bernadette Puyat ang kahalagahan ng pakikipagtulungan ng mga local na pamahalaan upang maiwasan ang pagpasok ng mga travelers na nememeke ng RT-PCR test.

Sinabi ng kalihim na ang pakikipag-ugnayan ng ahensya sa mga alkalde at gobernador sa bawat lokalidad na masigurong hindi makakalampas ang mga ito at maproteksyon ang kanilang locals.

Ito ay kasunod parin ng mga kaso ng pamemeke ng PCR test result ng ilang travellers sa mga tourist destination na kalauna’y nagpopositibo sa COVID-19.

Aniya, inutusan na rin ng DOJ ang NBI na hulihin ang mga namemeke maging ang mismong gumagawa ng fake certificates.

Hindi rin anya sila natatakot na sampahan ng kaukulang kaso ang sinumang lalabag sa panuntunang ito.

Maliban dito ay hinikayat din ni Sec. Puyat ang pamunuan ng mga hotel na dapat makipag-tulungan din upang madakip ang mga travelers na namemeke ng RT-PCR test at makasuhan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *