6 huli sa paglalaro ng Tupada sa Batangas

ROSARIO – Arestado ang anim na mga inbidwal matapos na maaktuhan ng mga awtoridad na naglalaro ng iligal na sabong o Tupada sa magkahiwalay na operasyon sa bayan ng Rosario at Taysan, Batangas.

Sa ikinasang anti-illegal gambling operation sa Taysan ay apat ang naarestong nagtutupada kahapon ng Lunes.

Kinilala ang mga nahuli na sina Bernabe Almarez, Jude Valles, Servando Ebite at  Ronald Maribago.

Narekober mula sa kanila ang apat na mga manok kung saan dalawa sa mga ito ay patay na.

Nakuha rin ang 500 pesos na taya mula sa apat na mga suspek.

Sunod naman na naaresto ang dalawang suspek na naglalaro rin ng Tupada sa Rosario, Batangas.

Kinilala ng Rosario MPS ang mga ito na sina Apolonio Maralit y Bautista at Ernesto Pangilinan.

Nakuha sa kanila ang dalawang manok, isang tari at tayang nagkakahalaga ng 6,000 pesos.

Kapwa na nakadetina ang mga suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Illegal Cockfighting.  | Mike Salgado

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *