Kadete ng maritime school – patay matapos ang ‘physical exercise’ bilang parusa sa maling react umano sa kanilang group chat

Nasawi ang isang kadete ng isang maritime school sa Laguna matapos ang ” physical exercise” na parusa.

Sa ulat ng Police Regional Office 4A, ipinatawag ng suspek na si alyas “Nathaniel” ang biktimang kadete na magreport sa kanyang cabin dahil umano sa nagawa nitong “offense”

Aksidente umanong nakapag-react ng thumbs-up ang biktima sa kanilang conversation sa messaging group chat ng mga kadete.

Bilang punishment, pinagsagawa ito ng physical exercise bilang parusa ngunit nakaramdam ito ng hirap sa paghinga at nawalan ng malay.

Agad na dinala ang biktima ng mga kasamahan nitong kadete sa infirmary para bigyan ng paunang lunas ngunit napansing mahina na ang pulso kaya agad na isinugod sa ospital.

Subalit idineklara na itong dead on arrival ng doktor.

Sa isinagawang imbestigasyon, busog umano ang biktima nang pageherisisyuhin ito ng kanyanf senior office rdahil katatapos lang nito sa kanilang “evening chow” o dinner

Naaresto naman ang suspek at turned over to Calamba CPS at mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *