Tiniyak ng Department of Justice ang bagong guidelines na magpapabilis sa pagsasagawa ng preliminary investigation.
Sa ceremonial signing kanina sa Malacañang, personal na sinaksihan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang paglulunsad bagong Rules on Preliminary Investigations and Inquest Proceedings ng DOJ at National Prosecution Service.
Sinabi ni Remulla na malaking bagay ang mga hakbang na ito para sa ating criminal justice system.
Layon ng mga bagong guidelines na maging mas maayos ang mga ikinakasang preliminary investigation at masigurong patas at naaayon sa due process ang mga kaso lalo na ang mga mula sa warrantless arrests.
Makakatiyak din sa bagong guidelines na ang mga kasong may matibay na ebidensiya lamang ang uusad
Sa ilalim din ng bagong PI rules, mapapabilis ang e-filing procedures at ang pagsasagawa ng virtual preliminary investigation hearings na makakatulong lalo na sa malalayong lugar.