Iprenisenta sa media ni Philippine National Police Chief General Dionardo Carlos ang top 10 graduating cadets ng Philippine National Police Academy (PNPA) ALAB-KALIS class of 2022.
Sa isang press conference ipinakilala ni Carlos si Police Cadet Ernie Alarba Padernilla mula sa Passi Iloilo bilang valedictorian ng klase.

Hinirang naman bilang class salutatorian si Police Cadet Regina Joy Caguioa ng Taguig City.
Samantala kabilang sa mga kumumpleto sa Top 10 sina Police Cadet Precious Domingo Lee ng San Juan City, Police cadet Fidel Treste ng Palo Leyte, Police cadet Geneva Flores ng San Carlos City Pangasinan, Police Cadet Zoey Soliterio ng Sta. Barbara Iloilo, Fire cadet Niel Winston Navalta mula Quirino, Jail cadet Collen Panganiban ng Antipolo Rizal, at P/Cdt Alyssa Angalan Bantasan mula Bauko, Mountain Province.
Nakatakdang gawaran ng Presidential Kampilan ang class valedictorian habang
Vice presidential kampilan award naman ang ibibigay sa salutatorian ng klase.
Gaganapin ang commencement ceremony ng PNPA ALAB-KALIS class of 2022 sa darating na Huwebes, Abril 21 sa Silang Cavite.
Inihayag ni Carlos na sa 226 na PNPA graduate ngayong taon 204 ang papasok sa Police force, 11 sa Bureau of Fire Protection habang 11 naman ang sasali sa Bureau of Jail Management and Penology.