Kabuuang nagawa ng Labo MPS kaugnay sa ilegal na droga sa Labo Camarines Norte para sa ikatlong linggo ng Hunyo, isina-publiko

CAMARINES NORTE- Inilatag ng kapulisan ng Labo MPS ang kanilang accomplishment nitong mga nakatalikod na araw kaugnay sa ilegal na droga sa Labo, Camarines Norte.

Sa kabuuang opisyal na talaan ng mga accomplishment ng Labo MPS noong June 15 hanggang June 19, 2023, isa ang bilang ng naaresto sa isinagawang operasyon para sa ilegal na droga sa nasabing bayan.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Nakumpiska sa suspek ang hinihinalang droga na may timbang na 1.47 gramo kung saan may kabuuang halaga na 9,996 pesos.

Matatandaan, na sa unang linggo ng Hunyo ay nakapagtala ang nasabing kapulisan ng dalawa kataong naaresto kung saan isa rito ay Rank 9 Municipal Most Wanted Person sa bayan ng Labo Camarines Norte.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Ayon sa kapulisan ng Labo MPS, ang naturang bilang ng mga operasyon, naaresto, at mga nakumpiska ay resulta umano ng  matagumpay na Police Operations sa nasabing bayan.