LGU Daet nagpalabas ng Executive order sa pagsasara ng ilang kalsada sa bayan ng Daet, Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Isasara ang ilang kalsada sa bayan ng Daet, Camarines Norte upang bigyang-daan ang pagdiriwang ng ika-30 Pinyasan Festival at ika-440 Foundation Day ng nasabing munisipalidad.

Ito ay batay sa ipinalabas na Executive order no. 32-2023 ng Alkalde ng bayan ng Daet nito lamang ika-14 ng Hunyo taong kasalukuyan.

Sa pagdiriwang ng Pinyasan Beer Plaza at Pinyasan Food Bazaar, isasara ang Vinzons Avenue sa harap ng Daet Elevated Town Plaza at ang Felipe Segundo Extension tuwing alas 6 ng gabi mula ika-15 hanggang ika-24 ng Hunyo 2023.

Sa pagdiriwang naman ng Pinyasan Duathlon Challenge, isasara ang F. Pimentel Avenue sa harap ng Camarines Norte State College alas 4 ng umaga sa ika-18 ng Hunyo. Alas 6 hanggang alas 10 ng umaga naman sa araw ring yan, isasara ang F. Pimentel Avenue hanggang Jollibee Pimentel, Vinzons Avenue hanggang Shell Mantagbac, J. Lukban Street, Carlos Segundo Street at F. Pimentel Avenue hanggang Boundary ng Daet at Basud.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Para naman sa Pinyasan Fellowship Parade at Pineapple Float Competition, isasara simula alas 3:00 ng hapon ang Vinzons Avenue mula Central Plaza Complex hanggang Pineapple Marker ng Daet Elevated Town Plaza

Alas 7:00 ng umaga hanggang alas 7:00 ng gabi naman isasara ang Felipe Segundo Street sa ika-19 hanggang ika-23 ng hunyo para bigyang daan ang pagdiriwang ng Pinyasan Bahay Anihan.

Hunyo 22, isasara naman ang Moreno Street, simula alas 7:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon para ipagdiwang ang Pinyasan Diskwento Caravan

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Magkakaroon naman ng Motorcade of Celebrity Guests and Pageant Winners sa ika-23 ng Hunyo, pasado alas tres ng hapon na dahilan ng pagsasara ng Maharlika Highway sa tapat ng Municipal Hall hanggang F. Pimentel Avenue, Gov. Panotes Avenue, Vinzons Avenue hanggang Central Plaza Complex at J. Lukban Street.

Sa kaparehong araw, isasagawa ang Pinyasan Variety Show simula alas 6:00 ng gabi na dahilan ng pagsasara ng Vinzons Avenue at Moreno Street.

Samantala, sa Hunyo 24, 2023., simula alas 7:00 ng umaga, isasara naman ang J.P. Rizal Street, Carlos Segundo, J. Lukban Street at F. Pimentel Avenue.

Ang nasabing pansamantalang pagsasara ng mga kalsada sa bayan ng Daet sa mga susunod na araw ay upang bigyang daan ang mga kaganapan sa pagdiriwang ng nasabing Pinyasan Festival.