Kabayo, naging pantawid transportasyon ng isang food delivery rider sa India

Lahat sa atin, nakararanas ng mga kagipitan sa buhay sa hindi inaasahang pagkakataon.

Kaya naman, inuugali ng iba na laging maging handa, upang dumating man ang ganitong kaganapan, handa kang makipagsapalaran.

Gaya na lamang ng isang lalaking food delivery rider sa India dahil sa imbis na gamitin ang kaniyang motorsiklo, kinailangan niyang gumamit ng kabayo sa pag-deliver ng order na pagkain.

Nagkaroon umano kasi ng fuel shortage sa lugar dahil sa nangyaring strike para sa lahat na mga truck drivers sa India.

Batay sa kuwento ng lalaki, imbis na mag-antay umano sa kahabaan ng pila na inaabot ng siyam-siyam, mas pinili na lamang nitong gumamit ng kabayo para patuloy na makapagsilbi sa mga customers.

Sa kadahilanang ito, umani naman ito ng iba’t ibang reaksiyon sa mga netizens.###WENCY LISAY