Kababaihan, kaya rin umanong makipagsabayan sa isyung pulitika – Albay VG Bongao

LEGAZPI CITY – Nagbigay ng pahayag ang bise gobernador ng Albay na kaya ring makipagsabayan ng mga kababaihan pagdating sa isyung pulitika.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Albay Vice Governor Baby Glenda Bongao, isa ang “lenient qualifications” sa mga hinahanap ng publiko, kung saan ang mga kalalakihang opisyal ang nakikitaan ng ganito.

Ayon sa kanya, sa tingin niya, ito rin ang sagot kung bakit mas marami ang mga nakaupong lalaking opisyal sa konseho.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Dagdag pa nito, ang mga kalalakihan ay may taglay na otoridad at lakas sa paningin ng publiko.

Sa kabilang dako, naniniwala rin si Bongao na kaya ring mamuno ng mga kababaihan.

Bilang unang babaeng naging bise gobernador sa lalawigan, nagagawa niya nang tama na pamunuan ang kanyang nasasakupan.

Saad niya, mas maganda ang samahan kung magtutulungan ang mga babae at lalaking opisyal para sa mas banayad na pamumuno.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Hiling niya na mas marami pang mga kababaihan ang magkaroon ng lakas ng loob na lumaban at tumakbong kandidato, lalo na kung may nais silang iambag para sa kaayusan ng lalawigan.

Samantala, gaganapin din ngayong araw, Marso 17, ng kasalukuyang taon ang ikalawang bahagi para sa mga aktibidad sa pagdiriwang mg Women’s Month na pangungunahan ng kanyang tanggapan. | MAEDIN DEXISNE