Mahigit 40 fire extinguishers na walang PS mark o ICC stickers, naiulat na sa DTI Bicol

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Department of Trade and Industry (DTI) Bicol na mayroon na sakanilang naiulat na mga fire extinguishers na walang nakalagay na PS mark o mga ICC stickers.

Ayon kay Ruben Sombon, Officer-in-Charge ng Consumer Protection Division (CPD) ng nasabing ahensya, sa kanilang datos ay mayroon nang mahigit 40 piraso ng fire extinguishers na walang valid na PS license.

Read More:  After armed clash in Negros town, civilian taken into custody, then released

Sinabi niya, ang PS mark at ICC stickers ang nagbibigay garantiya na ang mga produkto ay dumaan o sumailalim sa mga pagsusuri bago ito maipalabas.

Read More:  Transgender woman alleges discrimination in entrance exam process at Lucena City School

Samantala, nananawagan naman si Sombon na ngayong Fire Prevention Month, na maging matalino sa pagbibili ng mga fire extinguisher, siguraduhin umano na bago bumili ng mga ito ay mayroon itong PS license upang masiguro ang kaligtasan at hindi maharap sa anumang mga penalidad.