KORONADAL CITY — MAYROON parin mga grupo ng mga rebeldeng New People’s Army o NPA sa South Cotabato at mga karatig lugar na humihingi nga permit to campaign sa mga pulitiko na tatakbo sa halalan.
Ito ang kinumperma ni Ka Efren, dating spokesman ng Far South Mindanao Region ng NPA na matagal ng nagbalik-loob sa gobyerno.
Ayon kay Ka Efren na noong nasa organisasyon pa ito, may mga pulitiko silang nilalapitan upang ikampanya ang kanilang mga partylist at sinasamantala ang pagkakataon na makibahagi sa local o national election.
Sakali umanong may napagkasunduan sa isang pulitiko at hindi ito nasunod, gumagawa umano sila ng mga hakbang kagaya na lamang ng panununog sa mga ari-arian upang masira ang pangalan nito sa mga tao.
Dahil dito, nagpapaalala si Ka Efren sa mga pulitiko na tatakbo ngayong 2022 election na wag magpadala sa mga banta ng NPA upang maiwasan ang problema.
