138 Houthi rebels patay sa atake ng Saudi coalition forces sa Yemen

Patay ang 138 pang Houthi rebels sa nagpapatuloy na pag-atake ng Saudi coalition forces sa Yemen.

Kasunod ito ng kumpirmasyon ng Saudi Arabia na nagsagawa sila ng airstrike sa Marib city na sinasabing balwarte ng Yemeni government.

Read More:  Former Pres. Rodrigo Duterte appears before ICC judges after 18 months in detention

Ayon sa report, walang tigil ang mga bombahan, sagupaan at airstrike kaya blangko ang mga otoridad kung ilan na ang mga sibilyan na nadamay.

Kinumpirma naman ng Saudi Defense Ministry na nasa mahigit dalawang libong rebelde na ang napatay mula noong Oktubre nang ilunsad ang operasyon ng coalition forces.

Read More:  Indonesia begins operation to right sunken ship; 129 people remain missing

Matatandaan na pitong taon na ang nakakaraan nang ilunsad ang military operations sa Yemen na ikinasabi na ng daang libong tao kabilang ang mga sibilyan

❤️

1