June Mar Fajardo, kinilala bilang 2022 PBA Philippine Cup Best Player

Pinangalanan ang San Miguel Beer big man bilang Best Player of the Conference ng 2022 PBA Philippine Cup.

Ito na ang kanyang pang ika-siyam na BPC award, simula nang sumali sa liga noong 2012.

Mababatid na sa pagtatapos ng semifinals, nagtala si June Mar Fajardo ng averages na 18.6 points, 13.3 rebounds, 3.2 assists, 0.7 steals, at 1.4 blocks per game, para makuha ang kabuoang 41.5 average statistical points (SPs).

Si Fajardo ay mayroong 501 points sa statistics, 537 points sa media votes, at 81 points sa player votes para sa kabuoang 1119 points, para makuha ang titulo.

Tinalo nito ang kanyang teammate na si CJ Perez, Barangay Ginebra’s Scottie Thompson at Japeth Aguilar, at TNT Tropang Giga’s Mikey Williams.