Unique Ford Escort ni Princess Diana, pumalo sa $850,000 sa auction

Pumalo sa 724,500 pounds ($851,070) ang Ford Escort RS Turbo Series 1 na minaneho ni late Princess Diana sa isang auction, na isinagawa sa Britain’s Silverstone racing circuit.

Batay sa website ng Silverstone, inilarawan dito ang sasakyan bilang last Ford Escort ni Princess of Wales, na mayroong 24,961 miles.

Read More:  Dawn Chang gets surprise marriage proposal from NAPOLCOM commissioner Ralph Calinisan on game show

Pagmamay-ari ito ng Princess of Wales sa pagitan ng 1985 at 1988.

Karaniwang minamaneho ito mh prinsesa sa palibot ng Chelsea at Kensington, at naitala ang 6,800 miles, bago ito ibalik sa Ford.

Read More:  Bela Padilla, Martin Tan spotted together weeks after breakup

Hindi naman sinabi sa website kung sini ang nanalo sa auction.

Ang RS Turbo Series 1 ay kadalasa’y gawa sa puti, pero hiniling ng royal family police guard na mapinturahan ang para kay Diana ng itim “for discretion”.