Serena Williams, naghahanda pa sa final curtain call sa US Open

Matapos ang maningning na 27-year professional career, kung saan naging isa siya sa greatest players of all time, ay naghahanda na ngayon si Serena Williams, para sa kanyang pamamaalam sa tennis.

Mababatid na tinapos na ng 40-year-old sporting icon ang guessing game para sa kanyang future, nang ibunyag nito nitong buwan na nagsimula na ang “countdown” para sa kanyang retirement.

Ang kanyang final Grand Slam appearance ay inaasahang mangyayri sa US Open sa New York simula ngayong araw.

Matatandaan na napanalunan ni Williams ang pinaka-una mula sa kanyang 23 Grand Slam singles titles noong 17-taong gulang siya sa 1999 US Open, kung saan natalo nito si Martina Hingis

Samantala, sa kanya namang pitong Australian Open singles titles, pitong Wimbledon titles at anim na US Open titles, si Williams ang nag-iisang player, mapa-lalaki o babae man, na nanalo ng tatlong iba’t-ibang Grand Slams ng anim na beses o mahigit pa.

Sa kabuoan, nanalo ito ng 39 Grand Slam titles—na mayroong 14 women’s doubles crowns at two mixed doubles titles, kasama ang kanyang 23 singles victories.