Juban-LGU, irerepaso ang estado ng mga lupa sa buong bayan

Irerepaso ng Pamahalaang Bayan ng Juban, Sorsogon ang estado ng mga lupa sa buong bayan.

Bunsod nito, nagkaroon ng Memorandum of Agreement (MOA) signing sa pagitan ng Pamahalaang Bayan at ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Regional Office para sa pagbuo ng CAD 223 – Juban Cadastre.

Sa pamamagitan anya ng nasabing programa, magkakaroon ng makabagong Computer Aided-Design ang survey at mapping ng Pamahalaang Bayan na s’ya namang gagamitin para sa planning at mapping ng mga programa ng Bayan.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Sa pamamagitan rin anya nito, magkakaroon ng mas malinaw na political at geographical subdivisions ang mga barangay at ang mismong kabuuan ng bayan.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Ayon sa Survey and Mapping Division ng LGU, March 1926 pa nang huling magkaroong nag pagsusukat o survey ng mga lupa sa bayan ng Juban, kaya malaking tulong umano ito para magkaroon ng mas maayos at mas malinaw ang kanilang mga talaan.

Ang Cadastral Survey Program ng Gobyerno ay base sa Cadastral Act 2259 na ipinasa noong 1913.