Naglabas na ng pahayag ang Jollibee kaugnay sa viral post ng isang customer na nagreklamo matapos makatanggap ng ‘fried towel’ imbes na fried chicken.
Sa isang kalatas sinabi ng pamunuan na nagpapatuloy na ang isinasagawang imbestigasyon sa naturang insidente.
Inatasan na rin nito ang Jollibee Bonifacio – Stop Over branch na magsara sa loob ng tatlong araw habang ginagawa ang pag-review kung sinunod ba nito ang food preparation system ng kumpanya.
Read More: 7-Eleven warns of possible legal action over intentional food tampering amid hotdog video
Pinaalalahanan naman ng pamunuan ng Jollibee ang lahat ng mga branches nito na mariing ipatupad ang high standards sa paghahanda ng mga pagkain upang hindi na maulit ang kaparehong pangyayari.