Wala munang galawan sa pwesto ang ilang opisyal ng PNP na unang napaulat na kasama sa balasahan.
Ayon kay PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo, wala pa silang inilalabas na pinal na schedule para sa turn-over ceremony.

Ito’y matapos maglabas ng pahayag si DILG Sec. Benhur Abalos na naglilinaw na hindi pa pinal at wala pang approval ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang balasahan sa PNP.
Nilinaw ni Col. Fajardo na hangga’t wala pang schedule para sa formal assumption of office, mananatili muna sa kani-kanilang pwesto ang mga opisyal kabilang na rito ang hepe ng NCRPO na si MGen. Allan Okubo na napaulat na lilipat sa Community Relations ng PNP.