John Cabido, pinatunayang kayang mamayagpag sa gitna ng kapansanan

Pinatutunayan ni National University Pep Squad base na si John Paul Laurence Cabido na bagama’t siya’y may kapansanan ay kaya niyang mamayagpag kasama ang kanyang koponan sa UAAP Cheerdance competition.

Si Cabido, na mas kilala bilang “Longlong,” ay may kapansanan sa kamay, ngunit kinikilala bilang isa sa mga miyembrong maaasahan ng NU Pep Squad para iangat sila pabalik sa tuktok ng podium sa susunod na season.

Aniya, ang dati nilang coach na si Ghicka Bernabe ang nag-push sa kanya na ituloy ang kanyang pangarap na maging atleta.

Maalalang ipinasa ng NU Pep Squad ang korona sa FEU Cheering Squad noong nakarang season ngunit umaasang maibalik ang korona sa koponan sa susunod na laban.