Heart Evangelista, may patutsada sa isyu ng dating glam team

“Don’t give the enemy a seat at your table!”

Tila yan ang naging patutsada ni Heart Evangelista at sinasabing huwag siyang idamay sa mga lumalabas na isyu ngayon sa kanyang dating “Glam Team.”

May mga lumabas kasing alegasyon na hinarang daw at hindi nakalipad ang dating glam team ni Heart papuntang Dubai.

Glam team na ito ng beauty queen at Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzhbach, at aayusan sana siya para sa isang fashion event.

Saad ng mga netizens, baka si Heart ang may rason kung bakit hindi na sila nakalipad papuntang Dubai.

Maalalang hindi na parte ang mga ito ng glam team ni Heart dahil sa mga alegasyong pag-max out sa kanyang credit card.